Pandayan Academic Excellence Medal and Leadeship

Pandayan Academic Excellence Medal and Leadeship

Pagbabahagi po ng mga kapwa ay maraming natuwa sa ating proyektong ito, nanabik dahil anila ay ilang taon din tayong di nakapagbigay nito. May mga na pa-wow dahil ang kanilang eskwelahan ang siyang napili. Batid din po kasi nilang malaking tulong ang maidudulot nito sa estudyanteng makakatangap nito at anila ay tunay na karangalan din po sa kanila na sa dami ng eskuwlelahan ay sila ang napili nating pagbigyan, ganung sila’y mga taga baryo.
Malaking tulong din po sa pagpili ng mga Kapwa sa tindahan ang kanilang pag fieldwork. Batid nila agad kung sinu-sino ang 5 mabibigyan ng Pandayan Academic Excellence at 5 Leadership medal. Nakakatuwa rin pong isipin na talagang karamihan sa mga SE ay alam na ang kailangan nilang tulungan ay yung pinaka nangangailangan ng tulong na mga eskwelahan at nasa liblib na baryo na silang karaniwang di naabot ng tulong.
Sa naganap po na paggagawad ng Pandayan Academic and Leadership medal may mga isinali ang Pandayan sa programa. May mga Kapwa na nagsalita sa stage para ipaabot ang pagbati at maipaliwanag sa makakatanggap ang sagisag ng Pandayan medal at card.
May mga Kapwa Panday na siyang personal na nagsabit ng medalya. At dahil bihasa naman po ang mga Kapwa sa pagsasalita ay mababanaag ang confidence nila habang binabasa ang liham po na ginawa natin.
Dahil sabay-sabay po ang graduation ay ang iba ay mismong school principal na lang ang nagsabit ng medalya na iginawad po natin. May mga nabigyan po tayo ng medal na nag trending pa sa social media na sila po mismo ang nag-post.
Ganun pa man ay pinaalalahanan ko rin po ang mga Kapwa na kung magpopost sila mula sa isinagawa nating pagbibigay ng Panfayan Academic at Ledaership medal ay magpaalam sa guardian ng bata dahil minor po ang mga bibigyan natin ng medal upang maiwasan magkaproblema sa guardian ng estudyante.
Sa kabuuan ay masasabi kong matagumpay po nating naisagawa ang ating likas na layunin na maging kabalikat ng pamayanan tungo sa kabutihan at karunungan????❤️